Pumanaw na ang dating pangulo ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) na si George San Mateo sa edad na 60.
Inanunsyo ng grupo na nitong Hulyo 25 ng atakihin sa puso si San Mateo.
Nakilala si Ka George na siyang tawag ng kaniyang mga kasamahan na lumaban sa gobyerno sa pagpapatupad ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) noong 2017.
Sa nasabing taon din ay inaresto siya dahil sa pangunguna ng dalawanga raw na nationwide transport strike at pinawalang sala ang kaso noong 2020.
Bago naging transport lider ay naging drayber ito ng ilang dekada, nagsimula bilang family driver , car rental company at bilang taxi driver.
Noong kaniyang kabataan ay sumali siya sa Kabataan para sa Demokrasya at Nasyonalismo (Kadena) hanggang naging chairman ng grupo sa Paranaque chapter noong 1985 at naging national spokesperson.