Nagsagawa ng random inspection ang mga personnel ng Department of Transportation (DOTr) Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) Special Operations Group sa mga pampasaherong bus sa na gumagamit ng EDSA.
Ayon sa SAICT, bahagi ito ng paghihigpit ng transportation department sa pagtiyak sa road worthiness ng mga pumapasadang bus at hindi malalagay sa alanganin ang buhay ng mga pasahero, pedestrian, at iba pang mga gumagamit sa mga lansangan.
Bahagi umano ito ng direktiba ni Transportation Secretary Vince Dizon, sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng vehicular accident sa bansa.
Ilang mga bus ang natukoy na may mga violation tulad ng sirang flashers/signal lights, nakalaylay na hub cup o takip ng gulong, faulty equipment, atbpa.
Giit ng SAICT, tuloy-tuloy ang mahigpit na monitoring at inspection sa mga bumibiyaheng bus, hindi lamang sa EDSA, kung maging sa iba pang mga pangunahing lansangan, upang maprotektahan ang mga commuter.
Maalalang kasunod ng serye ng mga aksidente sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ay ipinapanukala ng DOTR ang pagsasailalim sa mandatory drug test sa tsuper ng mga pampasaherong bus, kasama na ang paglimita sa haba ng oras na maaaring magmaneho ang isang driver mula sa dating anim na oras. (report by Bombo Jai)