-- Advertisements --

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi uurong ang Pilipinas sa anumang mga banta.

Tugon ito ng Pangulo kasunod ng panibagong pag water-canon ng China sa barko ng BFAR.

Muling binigyang-diin ng Pangulo na kailanman hindi patitinag ang Pilipinas sa kabila ng patuloy na pang-haharass ng China sa mga barko nito sa West Philippine Sea (WPS).

Hindi aniya aatras ang mga barko ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc lalo at nasa loob ito ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Siniguro ng Presidente patuloy na mararamdaman ng China ang presensiya ng Pilipinas sa teritoryo nito dahil patuloy na igiit ng Pilipinas ang sovereign rights nito sa West Philippine Sea.

Sinabi ng pangulo, ang ginagawa ng Pilipinas ay dumidepensa lamang sa mga pang-haharass na ginagawa laban sa atin.

Aniya kailanman hindi nagpakita ng pagiging agresibo ang Pilipinas.

Kasunod ng tensiyon sa pagitan ng China at Taiwan, ayon sa Pangulo ang Pilipinas ay naghahanda dahil ano’t anupaman ang kahihinatnan sa tensiyon hihilahin at hihilahin ang bansa sa kaguluhan.

Giit ng Pangulo hindi naman pwede na walang gawin ang Pilipinas lalo at may mga Pilipinong naninirahan sa mga nasabing mga bansa.