-- Advertisements --

Nasa 283 lawmakers ang nagpahayag ng kanilang suporta kay Speaker Martin Romualdez para ipagpatuloy ang kanilang liderato sa 20th Congress.

Ito ang iniulat ni Manila Representative Ernesto Dionision.

Inilarawan naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang nasabing suporta bilang “overwhelming.”

Habang mayorya na ang nagpahayag ng suporta sa patuloy na pamumuno ni Speaker Romualdez, binigyang-diin ng mga miyembro ng Kamara na ang boto ng speakership ay nananatiling isang personal at boluntaryong desisyon.

Ginawa ng mga mambabatas ang paglilinaw matapos makipagpulong ang Speaker sa mga neophyte at mga nagbabalik na miyembro ng Kamara sa isang fellowship dinner kamakailan.

Sinabi nila na walang apela si Speaker Romualdez para sa suporta sa nasabing fellowship dinner.

Sinabi ng dalawang Kongresista na ang hapunan ay isang kilos lamang para salubungin at bigyang inspirasyon ang mga bago at nagbabalik na miyembro ng House of Represenaative.

“It was merely getting to know each other kumbaga. So welcoming the incoming members of the 20th Congress, as well as to inspire them. Hindi lang ‘yong mga miyembro na incoming, but also those who were present last night na reelected members ng House,” pahayag ni Adiong.

Sinabi ni Adiong na nagbigay lamang ng guidance si Speaker sa mga bagong miyembro ng Kamara kung paano sila maging epektibong leader sa kani kanilang mga distrito.