hotshots
-- Advertisements --

Pasok na sa finals ng 2021 PBA Philippine Cup ang Magnolia HotShots matapos talunin nila ang Meralco Bolts 93-85.

Hawak pa ng Bolts ang kalamangan hanggang mabaligtad ng Magnolia ang kalamangan 44-40 sa pagtatapos ng first half.

Pagpasok ng third quarter ay nagsimula ng umulan ng thre points at tinapos ng Magnolia ang third quarter sa 72-68.

Nanguna sa panalo ng Magnolia si Ian Sangalang na nagtala ng 19 points habang mayroong tig 16 points sina Mark Barroca at Rome Dela Rosa.

Hihintayin na lamang ng Hotshots ang sinumang manalo sa pagitan ng San Miguel Beerment at TNT Tropang Giga na nasa do-or-die game sa Game 7.

-- Advertisement --