Napigilan ng Rain or Shine ang TNT Tropang 5G para makapasok sa finals ng PBA 49th Season Philippine Cup.
Nalusutan ng Rain or Shine ang TNT 113-97 sa semifinals Game 5 na ginanap sa Smart-Araneta Coliseum.
Umabot pa ng hanggang 35 points ang kalamangan ng RoS para makuha ang dalawang panalo habang tatlong panalo na ang TNT.
Hindi naman kasama ng TNT ang kanilang head coach na si Chot Reyes matapos na patawan ng one-game suspension kung saan nakuha nito ang ika-limang technical foul sa Game 4.
Kabilang din na hindi naglaro sa TNT sina RR Pogoy at Kelly Williams dahil sa injuries.
Nanguna sa panalo ng RoS si Gian Mamuyac na nagtala ng 22 points habang mayroong 19 points, pitong rebounds, limang assists, isang steal at isang block si Jhonard Clarito samantalang mayroong tig-11 points sina Adrian Nocum, Keith Datu at Andrei Caracut.
Nasayang naman ang nagawang 23 points ni Calvi Oftana at 20 points ni Simon Enciso para sa Tropang 5G.