Wala pang tugon ang Malakanyang kaugnay sa naging sushestiyon ni Secretary Jonvic Remulla na dapat manggagaling sa DILG ang pag anunsiyo na suspendido ang trabaho sa gobyerno at maging ang mga classes sa tuwing makakaranas ng malakas na pag ulan o hindi magandang panahon.
Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro wala pang ibinibigay na pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kaugnay sa sushestiyon ni Secretary Remulla na bigyan ng kapangyarihan ang DILG para mag deklara ng suspension of work at classes.
Sinabi ni Castro, pag-aaralan pa ito ng Pangulo.
Giit ng Palace Official Ang tanging nais ng Pangulo ay kung ano ang makabubuti para sa taumbayan lalo na sa mga mag-aaral.
Sa ngayon kasi ang mga LGUs ang may kapangyarihan na magdeklara ng suspension of classes at trabaho.
Layon ng DILG na maging centralized ang pagdekla ng suspension sa tuwing may kalamidad o masama ang panahon.