-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng San Miguel Beermen para makapasok sa finals ng PBA 49th Season Philippine Cup semifinals.

Hindi nila pinaporma ang Barangay Ginebra 103-92 para makuha ang 3-2 na kalamangan sa best of sevens semifinals sa laro na ginanap sa Smart-Araneta.

Bumida sa panalo ng Beermen si Cjay Perez na nagtala ng 31 poins habang mayroong 27 points si Jericho Cruz.

Sinabi ni Beermen coach Leo Austria, na kaniyang sinabihan ang mga manlalaro kung gaano kahalaga ang manalo sa Game 5 na malaki ang tsansa para makapasok sa finals.

Hindi naman umubra ang ginawang 19 points ni Maverick Ahanmisi habang mayroong 14 points, siyam na rebounds si Scottie Thompson.