Naging masakit ang pagkatalo ng Magnolia Hotshots sa kamay ng Phoenix Pulse 89-87 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Umabot pa kasi sa 17 points ang kalamangan ng Hotshots hanggang mahabol ito ng Phoenix.

Naging bida sa panalo ng Fuel Masters si Calvin Abueva na nagtala ng 24 points habang mayroong 19 points si RJ Jazul.

Sinabi ni Phoenix Pulse coach Louie Alas na isang malaking hamon para sa kanila ang panalo dahil sa naging matindi ang laban mula sa umpisa.

Ito na ang pang-walong panalo ng Phoenix sa siyam na laro ng koponan.