-- Advertisements --
Kinontra ni Vice President Sara Duterte ang plano ng Philippine National Police (PNP) na maglagay ng presensya ng mga kapulisan sa kalsada.
Sinabi ng Bise Presidente na masyado na luma ang nasabing hakbang ngayong panahon na ng paglulunsad ng mga makabagong teknolohiya.
Inihalimbawa nito ang mga paggamit ng mga makabagong kagamitan para mapuksa ang krimen gaya paggamit ng mga drones at robots.
Ang kakulangan sa upgrade sa mga kagamitan ng kapulisan sa bansa ay matagal ng problema kaya marapat aniya na ito ay tugunan.
Magugunitang inihayag ni PNP chief Nicolas Torre III na dapat ang mga kapulisan ay nasa kalsada para sa loob ng limang minuto ay makakaresponde agad sila sa krimen.