-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na kanilang kakasuhan ang mga pulis na sangkot sa pakawalan ng 34 na mga sabungero.

Kasunod ito sa naging pagbubunyag ng isang witness na mayroong ilang kapulisan ang sangkot sa pagkawala ng nasabing sabungero.

Sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo na hinihintay pa nila ang ilang mga detalye ng akusado na siya ngayon ay nag-aapply bilang state wtiness.

Giit aniya sa kaniya ni PNP chief General Nicolas Torre III na kahit sino pa man ang sangkot sibilyan man o mataas na opisyal ng PNP ay hindi nila ito sasantuhin.

Handa rin aniya silang magbigay ng seguridad sa potensyal na state witness ganun din ang pakikipagtulungan sa Department of Justice (DOJ) ukol sa kaso.