Sugatan ang dalawang babae na magkarelasyon matapos na sila ay atakihin ng mga kalalakihan sa London.

Naganap ang insidente sa top deck ng London night bus.

Ayon kina Melanie Geymont, 28 at Chris, 29, bigla na lamang silang inatake ng mga grupo ng lalaki matapos na tumnaggi ang mga ito sa utos nilang maghalikan.

Apat na lalaking nasa edad 15 hanggang 18 ang naaresto matapos ang insidente.

Mula pa noong limang taon na ang nakakalipas ay tumaas ang bilang ng mga naiulat na homophobic hate crimes sa London base na rin sa talaan ng Met Police’s crime dashboard.

Nanindigan ang dalawa na hindi sila natatakot na ibunyag ang kanilang relasyon.