Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number two sa Batanes at Babuyan Group of Island dahil sa bagyong Ineng.

Habang signal number one naman ang umiiral sa Cagayan, Isabela, Apayao, Kalinga, Northern Abra at Ilocos Norte.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 330 km sa silangan timog silangan ng Basco, Batanes.

Ayon kay Pagasa forecaster Raymond Ordinario, kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.