-- Advertisements --

Nahuli ang isang 66-gulang na babaeng Canadian national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos mahulihan ng tinatayang P164.7 million na halaga ng hinihinalang shabu sa kanyang bagahe, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Dumating ang suspek, na tinukoy sa alyas ‘Grace,’ mula Torondo, Canada via Hong Kong. Na flag ang suspek ng mga awtoridad matapos ang isang intelligence-based operations ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).

Nakuha mula sa kanyang bagahe ang tatlong malalaking garbage bag na may lamang 24,231 gramo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o shabu.

Kabilang sa iba pang nakumpiska ang kanyang Canadian passport, dalawang boarding pass, cellphone, ID card, at baggage declaration form.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 4, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.