Inaprubahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang 2026 National Expendidture Program (NEP).Sa ilalim ng NEP nasa P6.793 trillion ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Ang nasabing pondo ay mas mataas ito kaysa sa 2025 national budget na nasa ₱6.326 trillion.
Ginawa ng Pangulo ang pag apruba sa ginanap na Cabinet Meeting ngayong araw.
Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro ang 2026 proposed budget ay layong mapataas ang kalidad ng edukasyon, pagaanin ang buhay ng ating mga kababayan.
Sa Cabinet Meeting na isinagawa sa Palasyo ng Malakanyang, binigyang diin ng Pangulo na ang pambansang pondo para sa susunod na taon ay hindi lamang para sa pag lago sa ating ekonomiya kundi iangat ang buhay ng mga Pilipino.
Pinasisiguro ng pangulo na mararamdaman ito ng bawat mamamayang Pilipino.
Target na isumite Department of Budget and Management ang 2026 budget sa Kongreso sa buwan ng Agosto.