-- Advertisements --

Pinalalakas ng Department of Energy (DOE) ang pagpapaunlad ng renewable energy (RE) sa bansa sa pakikipagtulungan sa Asian Development Bank (ADB) at National Electrification Administration (NEA) para sa isang single window auction system.

Ayon kay DOE Assistant Secretary Mylene Capongcol, ilalabas sa bidding ang mga pasilidad ng NEA na maaaring paglagyan ng RE projects, na may kumpletong impormasyon at kasama sa transmission development plan.

Ang ADB ang magsisilbing transaction advisor, habang hinihintay pa ang detalyadong proposal at paglagda ng memorandum of agreement sa NEA.

Target ng pamahalaan na mapataas ang bahagi ng RE sa energy mix ng bansa sa 35% pagsapit ng 2035 at 50% sa 2040. Sa kasalukuyan, nasa 22% pa lamang ito.

Mayroon nang humigit-kumulang 544 aktibong solar projects sa bansa na may kabuuang kapasidad na 2,425 megawatts (MW), kabilang ang rooftop, ground-mounted, at floating solar systems.