-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni retired police lieutenant general Jonnel Estomo ang pagkakasangkot niya sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Ito ay kasunod na idinawit siya ng whistleblower na si Julie Patidongan o alyas “Totoy” na isa ito sa mga nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

Sinabi ni Estomo na handa itong harapin ang anumang imbestigasyon at magpresenta ng mga ebidensya para malinisan ang pangalan niya.

Inihahanda rin ng mga abogado niya ang kaso na isasampa laban kay Patidongan.

Magugunitang ibinunyag ni Patidongan na hinikayat umano ng dating heneral ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang na patayin siya dahil sa alitan sa pera.