-- Advertisements --

Umatras umano ang beteranong lawyer na si Lorna Kapunan bilang legal counsel ng bilyonaryong gaming tycoon na si Charlie “Atong” Ang, isang linggo matapos itong magsampa ng reklamo laban sa whistleblower na nag-uugnay kay Ang ng pagkawala at umano’y pagpatay sa mahigit 30 sabungero.

Ayon sa source, pinili ni Kapunan na iwan ang kaso upang tumutok sa kanyang papel bilang volunteer private prosecutor sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Gayunpaman, tinitingnan umano ngayon ng House leaders ang posibilidad ng pag-alis sa kanya sa prosecution panel dahil sa “bad optics” na dulot ng isyu.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kay Atty. Kapunan habang papalapit ang tentative schedule ng pagsisimula ng trial na itinakda ni Senate President Francis Escudero sa July 29.

Ang kaso ni Ang ay hahawakan na ngayon ng Rondain at Mendiola Law Office.