PDL
-- Advertisements --

Magsisimula na ngayong araw Oktubre 28 ang 10-taon validity ng mga nire-renew na drivers license.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO) lahat ng mga drivers na walang anumang traffic violation records ay maaari ng makapag-renew ng kanilang lisensiya na mayroong expiry ng hanggang 10-taon.

LTO

Habang ang mga mayroong violations ay bibigyan ng validity hanggang limang taon.

Pinalawig din ng LTO ng hanggang Disyembre ang validity ng lahat ng mga student permits, driver’s license at conductors license na nakatakdang mapaso ngayong Oktubre 31 bilang konsiderasyon sa ipinapatupad na quarantine restrictions sa bansa.