-- Advertisements --

Nananatili sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) ang isang Low Pressure Area (LPA).

Batay sa monitoring ng Bombo Weather Center, namataan ito sa layong 235 km sa kanluran ng Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Ang LPA na ito ay nagdudulot ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Visayas, Mindanao, MIMAROPA, Bicol Region, Batangas, at Quezon.

Samantala, ang easterlies ay patuloy na nakakaapekto sa natitirang bahagi ng bansa, kaya’t asahan ang maalinsangang panahon na may posibilidad ng panaka-nakang pag-ulan o pagkulog-pagkidlat lalo na sa hapon o gabi.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ingat sa posibleng flash floods o landslides, lalo na sa mga mabababang lugar at bulubunduking bahagi.