Philippine Womens Rugby
PH Womens Rugby / Twitter image

Nakuha ng Philippine Lady Volcanoes ang gold medal sa Asia Rugby Women’s Sevens Trophy Series Champions.

Ito ay matapos talunin ang host country na Indonesia sa score na 26-7.

Nagtulong-tulong sina Aldee Denuyo, Aiumu Ono at Helena Indigne para madala sa panalo ang koponan.

Bago nila natalo ang Indonesia ay pinataob din ng Pilipinas ang Qatar 27-0, Laos sa scores 24-0 at India 19-12 para maka-abanse sa gold medal round.

Ang nasabing partisipasyon ng koponan ay bilang paghahanda sa 2019 Southeast Asian Games na dito gaganapin sa bansa.