-- Advertisements --

Iniulat ng Search and Rescue Agency ng Indonesia nitong Huwebes, Hulyo 3, na 31 na ang kanilang nailigtas matapos lumubog ang isang ferry na may sakay na 65 katao malapit sa isla ng Bali habang 38 parin ang nawawala at 4 ang nasawi.

Nabatid na ang ferry na KMP Tunu Pratama Jaya ay lumubog halos 30 minutes matapos lamang na pumalaot mula sa Banyuwangi port sa East Java papuntang Bali noong Miyerkules ng gabi. Sakay ng ferry ang 53 pasahero, 12 crew members, at 22 sasakyan.

Nagpapatuloy naman ang search and rescue operations ngunit ibinatid ng mga awtoridad na nahihirapan ang kanilang mga tauhan dahil sa malalakas na ragasa ng alon dulot ng malakas na hangin.

Gumagamit na rin ng helicopter at may 13 underwater rescuers ang mga awtoridad sa lugar.

Batay naman sa passenger manifest, iniulat na walang foreigner na pasahero ang nasa ferry.

Madalas na nasasangkot sa aksidente ang mga ferry sa Indonesia,ay dahil sa mahihinang safety protocols at overloading.

Noong 2023, isang maliit na ferry rin ang lumubog sa Sulawesi, na ikinasawi ng hindi bababa sa 15 katao.