-- Advertisements --

Patay ang 22 katao matapos ang pagkasunog ng isang gusali sa Jakarta, Indonesia.

Ayon sa mga kapulisan na kumakain ng kanilang pananghalian ang mga empleyado ng pitong palapag na gusali.

Malaki rin ang paniniwala ng mga otoridad na ang pagsabog ng battery ng drone ang sanhi ng sunog.

Bentahan kasi ng baterya ng drones ang kumpanyang may-ari ng gusali.

Umabot sa mahigit dalawang oras bago tuluyang maapula ang sunog.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.