-- Advertisements --

Nabigo ang Gilas Pilipinas 3×3 Women sa Malaysia 21-19 sa kanilang paghaharap sa 33rd Southeast Asian Games.

Pinilit nina Kaye Pingol, Jhaz Joson, Mikka Cacho, at Tantoy Ferrer na mahigitan ang Malaysia subalit hindi nila mapantayan ang ipinamalas na depensa ng Malaysian.

Dahil dito ay hindi na makakapaglaro ang Gilas 3×3 Women sa semifinals.

Bago nito ay tinalo na rin sila ng Indonesia 21-15.

Magugunitang noong 2023 Vietnam SEA Games ay nagkamit ng silver medal ang Gilas Women 3×3.