-- Advertisements --
Maghihigpit na ang Indonesia sa mga kabataan na gumamit ng social media.
Ayon sa communications and digital ministry office, na bawal na sa mga batang edad 16 pababa ang paggamit ng social media.
Layon ng gobyerno ay para mabawasan ang mga insidente ng cyberbullying at pagka-adik sa paggamit ng cellphones.
Una ng nagpatupad ang mga bansang Malaysia at Australia sa paghigpit sa mga kabataan na gumamit ng social media dahil sa tumataas na kaso ng cyberbullying at suicide.
















