-- Advertisements --

BALI, Indonesia – Umaabot sa apat ang nasawi, 38 ang nawawala, at 23 ang nakaligtas matapos lumubog ang ferry na KMP Tunu Pratama Jaya sa karagatan malapit sa isla ng Bali sa Indonesia.

Nasa 65 katao ang sakay ng ferry, kabilang ang 53 pasahero, 12 crew, at 22 sasakyan, nang lumubog ito makalipas ang halos 30 minutong biyahe mula Banyuwangi, East Java.

Patuloy ang isinasagawang search and rescue operations, ngunit nahihirapan ang mga otoridad dahil sa malalakas na alon at hangin.

Karaniwan ang ferry bilang transportasyon sa Indonesia, subalit madalas ang aksidente dahil sa mahihinang safety protocols at overloading.

Noong 2023, lumubog din ang isang maliit na ferry sa Sulawesi, na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa 15 katao.