Ikinalugod ng Malacañang ang pagpuri ni Lithuanian Defense Minister Dovile Sakaliene, sa documentation at pagri-report ng Pilipinas sa mga pangha-harass ng China sa West Philippine Sea (WPS), na maiku-konsidera bilang gold standard.
Ayon kay Palace Press Officer USec. na nangangahulugan lamang ito na nakikita ng ibang bansa kung papaano ipagtanggol ng Marcos Administration ang teritoryo ng Pilipinas, at ang mga mangingisda sa WPS.
Ayon sa opisyal, masarap pakinggan na nagmula sa isang banyaga ang paghangang ito sa ginagawa ng pamahalaan.
Ang masakit aniyang pakinggan, ay ‘yung kapwa Pilipino, lalo na iyong public servant, ang tila walang paninindigan sa usapin sa WPS.
Mas malala pa aniya, ay iyong mga Pilipinong, kumu-kondena pa sa mga ginagawa ng administrasyon, pagdating sa pagtatanggol sa karapatan ng bansa sa rehiyon.