Nagbabala si Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon baka mas malaking problema ang mangyari kapag patuloy na pinigilan ang pagpapatupad ng Motorcycle Crime Prevention Act.

Ayon kay Gordon sa panayam ng Bombo Radyo, maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay manganganib sa paglabag sa konstitusyon kapag hindi naipatupad ang bagong batas.

Giit niya, wala naman talagang problema sa Motorcycle Crime Prevention Act, pero ang deprensya ay may mga sumasakay sa usapin para sa sariling intensyon.

Pinuna rin nito ang mga mambabatas na sumuporta sa batas, ngunit ngayon ay umaatras na.