-- Advertisements --
Hindi pa masabi ni Palace Press Officer Claire Castro kung nakarating na kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mistulang “pagtatampo” ni dating Ilocos Sur Gov. Luis ‘Chavit’ Singson.
Pero pagtiyak ni Castro, hindi nakakalimot si Pang. Marcos.
Reaksyon ito ng Malakanyang sa pahayag ni Singson na may alzheimer’s na si PBBM dahil hindi na daw siya kilala pagkatapos ng eleksyon.
Sinabi pa ni Singson na hindi na niya muling susuportahan ang mga Marcos.
Pero ayon kay Castro, baka hindi lang nakakapag-usap ang Pangulo at ang dating gobernador.
Nanggaling rin naman anya kay Singson na dati ay maganda ang kanilang relasyon.