Sinampahan na ng kaso ang police sa Kuwait na dumukot at nanggahasa sa isang Filipina household worker.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola na ito mismo ang kinumpirma sa kaniya ni Kuwaiti Ambassador to the Philippines Musaed Saleh Ahmad Althwaikh.

Kinilala ang pulis na kinasuhan na 22-anyos na si Fayed Naser Hamad Alajmy.

Tiniyak din ni Althwaikh na kanilang gagawin ang lahat ng makakaya para tuluyang maaresto ang suspek.