-- Advertisements --

Ipinahayag ng kauna-unahang Filipino Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ang kanyang kagustuhang magturo sa University of the Philippines (UP).

“Masaya akong ibalita sa inyo na excited na ako sa posibilidad na magbahagi pa ako ng aking karanasan at mga natutunan at magturo dito sa inyong unibersidad. Sana matuloy ito,” ani Diaz sa kanyang talumpati bilang panauhing tagapagsalita sa recognition rites ng College of Human Kinetics sa UP Diliman nitong Sabado.

Binalikan din ni Diaz ang kangyang makakasaysayang sandali ng magtagumpay sa 2020 Tokyo Olympics at ibinahagi ang kahalagahan ng pagtutulungan at ang apg-serbisyo sa bayan.

Hinikayat niya ang mga nagtapos na makibahagi sa grassroots training at mga programang makapaglilingkod sa komunidad.

“Tandaan ninyo ang tunay na lakas ay hindi lamang sa pagbuhat ng mabibigat na bagay, kundi sa pagtutulungan at paglilingkod sa kapwa,” dagdag pa niya.

Noong 2024, binuksan ni Diaz ang Hidilyn Diaz Weightlifting Academy na layuning magsanay ng mga bagong atleta na maaaring magrepresenta sa bansa sa mga darating na paligsahan.

Sa UP Diliman, bahagi ng mga PE at Sports Science subjects ang weightlifting at weight training courses, ayon sa UP CRS at Office of the University Registrar.