-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Pinay Olympic gold weightlifter Hidilyn Diaz-Naranjo na magtuturo na ito.

Sa kaniyang social media account, ay sinabi niyang magiging bahagi na siya ng faculty ng University of the Philippines College of Human Kinetics (UP CHK) sa susunod na taon.

Nakipagpulong na ito sa mga miyembro ng College Executive Board ng UP-CHK bilang bahagi ng kaniyang paghahanda.

Noong Hulyo ay kinuha siyang guest speaker sa graduation ng UP CHK kung saan nagpahayag ito ng nais na magturo.

Dagdag pa nito na paraan niya ito para ibalik sa mga mag-aaral ang mga natutunan niya.

Nais niyang na matutu ganun din ay nais niyang may matutunan ang mga mag-aaral sa kaniya.

Kasalukuyan ay nagtuturo na rin ito sa mga kabataan sa kaniyang HD Weightlifting Academy.