-- Advertisements --
Isang panalo na lamang ang kailangan ng La Salle para para mabawi ang titulo sa UAAP Season 88.
Ito ay mtapos na talunin nila ang University of the Philippines 74-70 sa game one na ginanap sa Mall of Asia Arena.
Bumida sa panalo ng Green Archers si Jacob Cortez na nagtala ng 21 points, apat na rebounds, dalawang assists at isang steal.
Nag-ambag naman ng 15 points si Doy Dungo habang mayroong pitong puntos at anim na rebounds si Gerry Abadiano habang mayrong siyam na puntos, anim assists at dalawang rebounds si Kean Baclaan.
















