-- Advertisements --

Nahalal bilang pangulo ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) si Anthony “Tonyboy” Liao.

Papalitan ni Liao si PNVF president Ramon “Tats” Suzara.

Pangungunahin din ni Liao ang 2025-2027 PNVF board sa ginanap na halalan sa Vault Bonfacio Global City.

Itinalaga naman si Dr. Arnel Hajan bilang chairman habang vice chairman naman si Yul Benosa at secretary general naman si Otie Camangian.

Si Liaoy ay matagal ng opisiyal ng Premier Volleyball League at naging bahagi ng PNVF board mula pa noong 2021 kung saan naging National TEams Commission chairman ito.

Siya ang nagmamanage ng women’s volleybal program ng La Salle at Ateneo na ilang ulit na nagkampeon sa UAAP.