-- Advertisements --

Binigyang halaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagiging aktibong bahagi ng mga magulang sa kanilang mga anak.

Kasunod ito sa naging insidente ng pamamaril sa loob ng paaralan kung saan pawang mga menor de edad ang mga suspek.

Sinabi ng Pangulo na bagamat mahalaga ang pagkilos ng gobyerno para maiwasang maulit ang insidente ay hindi dapat kalimutan ang tamang paggabay ng mga magulang.

Mahalaga din aniya na ipagpatuloy din ng mga guro ang kanilang tungkulin hindi lamang sa pagtuturo at bilang taga gabay at tagapayo.

Tiyakin din dapatng mga paaralan ang mahigpit na pagsunod sa mga panuntunan sa kaligtasan sa loob at labas ng mga silid aralan ganun din sa mga isinasagawang field trip, training camp o mga aktibidad sa paaralan.

Marapat din na muling ibalik ang pagpapahalaga sa buhay ng tao, pagtuturo ng tamang asal, ugali at pag-iisip.