-- Advertisements --

Napiling maging host ang Pilipinas ng 2029 FIVB Women’s World Championship.

Ito ay matapos na ianunsiyo ni FIVB President Fabio Azevedo ang magandang balita.

Humanga kasi ito sa naging hosting ng bansa sa katatapos lamang na 2025 FIVB Men’s World Championship.

Isinagawa ang anunsiyo bago ang gold medal match sa pagitan ng Italy at Bulgaria na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito ang unang pagkakataon na magiging host ang Pilipinas ng FIVB Womens’ World championship.

Nagpasalamat naman si FIVB Executive Vice President at Asian Volleyball Confederation President Ramon Suzara sa pagpili ng bansa kung saan ngayon pa lamang ay maghahanda na sil.