-- Advertisements --

Muling tinanghal na kampeon ang Italy sa FIVB Men’s World Championship matapos talunin ang Bulgaria.

Nakuha ng Italy ang score na 25-21, 25-17, 17-25, 25-10 sa harap ng 16,429 na mga manonood sa Mall of Asia Arena.

Bumida sa panalo ng Italy si Yuri Romano na nagtala ng 22 points, 16 kills , limang aces at blocks.

Nakapasok ang Italy sa finals matapos talunin ang World number 1 na Poland sa semifinals.

Nasa pangalawang puwesto ang Italy sa Pool F na mayroong dalawang panalo at isang talo kung saan nabigo sila sa Belgium.