-- Advertisements --
Nagkampeon ang De La Salle University sa UAAP men’s Basketball Season 88 matapos talunin ang University of the Philippines 80-72 sa Game 3 finals na ginanap sa Smart Araneta.
Naging malaking hamon para sa Green Arhcers dahil sa pagkaka-injured ng mga pangunahing manlalaro nila na sina Mason Amos at Kean Baclaan.
Bumida sa panalo ng Green Archers si Mike Philips na nagtala ng 25 points at 18 rebounds.
Pinuri ni La Salle coach Topex Robinson ang UP dahil sa naging agresibo lalo sila sa mga laro.
Ito na ang pang-11 na kampeonato ng Green Archers sa UAAP at pangalawang koponan sa kasaysayan ng liga na nagkampeon bilang fourth seed mula noong 2014 ng magkampeon ang National Unversity sa Season 77.
















