-- Advertisements --
Babandera ang pangalan ni Hidilyn Diaz sa mga atletang Pinoy sa bansa na sasabak sa 2025 Southeast Asian Games (SEA) sa Thailand sa buwan ng Disyembre.
Sasabak ang unang Olympic gold medalist na si Diaz sa women’s 58 kg. division.
Ito ang kaniyang pagbabalik sa SEA Games matapos na hindi nakapaglaro noong 2023 SEA Games sa Cambodia para pagtuunan ang pagsabak sa 2024 Paris Olympics.
Magugunitang nagwagi ng back-to-back gold medal si Diaz noong 2019 at 2022 SEA Games kug saan namayani ito sa 55 kg. division noong 2019 na ginanap sa Pilipinas at naidepensa ang titulo noong 2022 sa Vietnam.
Noong 2023 ay hindi rin ito nakasama sa SEA Games para sumabak sa Asian Weightlifting Championships na isang Olympic qualifiers.
















