PDuts
Pres. Duterte/ FB image

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte angmamamayan na maaapektuhan ng Luzon-wide lockdown na maaari silang manatili sa kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang laman ng video message na inilabas ng pangulo, kung saan nakausap niya ang mga commander ng military sa bansa na buksan ang kanilang kampo para sa mga nangangailangan ng mga pagkain at masisilungan lalo na ngayong ipinapatupad ang lockdown.

Dagdag pa nito na wala aniyang magiging problema dahil nakausap na niya ang mga militar sa buong bansa.

Nauna rito tiniyak ng Pangulo na nais niyang walang magugutom sa ipinapatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.