NBA CARD
NBA CARD/ Goldin Auction

Naibenta sa halagang $900,000 (P45-M) ang kakaibang uri ng basketball card nina Michael Jordan at LeBron James.

Naibenta ni Ken Goldin ng Goldin Auctions ang nasbing card sa isang hindi na pinangalanang indibidwal.

Ito na ang itinuturing na pinakamahal na basketball card.

Nahigitan na nito ang 1969-1979 Topps Lew Alcindor card na naibenta sa halagang $500,000 noong 2016.

Ang 2003-2004 Upper Deck “Exquisite Collection” card ay kakaiba dahil nakadikit dito ang patches na sinuot nina LeBron at Jordan sa kanilang jersey.