Pinasok ng Minnesota Timberwolves ang second round ng NBA playoffs matapos ang 103-96 panalo kontra Los Angeles Lakers sa Game 5 ng kanilang first-round series noong Abril 30. Bumida si Rudy Gobert na nagtala ng playoff career highs na 27 points at 24 rebounds, habang nag-ambag si Julius Randle ng 23 points.
Nakapagtala rin si Anthony Edwards ng 15 points at 11 rebounds para sa sixth-seeded Wolves, na nanalo ng tatlong sunod upang alisin sa kompetisyon sina LeBron James at Luka Doncic sa kanilang unang postseason bilang magka-teammate.
Sa kabila ng pagkatalo, nagpakitang-gilas si Doncic para sa Lakers na may 28 points at 9 assists, habang may 22 points si James at 23 mula kay Rui Hachimura. Ito ang ikalawang sunod na taon na na-eliminate ang Lakers sa unang round ng playoffs, sa kabila ng kanilang midseason blockbuster trade para kay Doncic.
Hindi naging hadlang ang 7-for-47 shooting mula sa 3-point range ng Wolves, dahil sa tulong ni Gobert sa loob ng court.
Samantala, buhay pa ang playoff hopes ng Houston Rockets matapos talunin ang Golden State Warriors, 131-116, sa Game 5 ng kanilang serye. Nanguna si Fred VanVleet na may 26 points, habang si Amen Thompson ay may 25 points.
Nag-ambag din si Dillon Brooks ng 24 points sa gabi kung saan lahat ng starters ng Houston ay nagtala ng double figures.
Itatakda ang Game 6 sa Biyernes sa San Francisco, kung saan hawak pa rin ng Warriors ang 3-2 series lead.