Pinangunahan ni Victor Wembanyama ang kanyang kopanan na San Antonio Spurs at tumala ng 39 na puntos para pataobin ang Minnesota Timberwolves sa iskor na 126-123.
Malaking ambag din ang 25 puntos, 12 assist ng point guard na si De’Aaron Fox at 20 puntos ni Keldon Johnson para sa naging panalo ng Spurs.
Habang nasayang naman ang 55 puntos na season career-high ni Anthony Edwards at hindi naging sapat para buhatin ang kanyang koponan na Timberwolves patungo sa panalo.
Naging mainit ang labanan ng dalawang koponan kung saan lumamang ng 25 puntos ang spurs sa pagtatapos ng halftime.
Muli pang nakahabol ng timberwolves pagtungtung ng 4th quarter at nakuha pang makalamang sa iskor na 110-108, ngunit tuluyan nang sinilyuhan ng spurs ang kanilang panalo matapos ipasok ni Fox ang dalawang magkasunod na free-throw upang muling ibalik ang kalamangan ng Spurs.
Samantala hindi na muling nakahabol ang Timberwolves matapos namang ma fouled out si Edwards sa laro.
















