-- Advertisements --
Nahigitan na ni Houston Rockets star Kevin Durant si NBA legend Wilt Chamberlain sa dami ng mga puntos.
Mayroon na kasing 31,422 points si Durant na nagbigay kay Durant ng 17 points na kalamangan kay Chamberlain na mayroong 31,419 points.
Nangyari ang pagtaas na puntos ni Durant sa laro nila kontra sa Portland Trail Blazers.
Target ngayon ni Durant na malampasan si sixth-placer scorer Dirk Nowitzki na mayroong 31,560 points.
Nangunguna pa rin si Los Angeles Lakers star LeBron James sa scoring list na mayroong 42,601 career points.
Habang pumangalawa naman sa listahan si Kareem Abdul Jabbar na may 38,387 points.
















