Nagpakita ng magandang performance ang anak ni NBA superstar Lebron James sa kaniyang 2025 Summer League debut.
Hinarap ni Bronny James at ng Los Angeles Lakers ang Miami Heat at nagawa ng una na mangibabaw sa score na 103-83.
Pinangunahan nina Cole Swider at Bronny ang Lakers at nagawa ng dalawang bagitong Lakers na magbulsa ng pinagsamang 22 points – 12 points kay Swider habang 10 points kay kay Bronny.
Sa pagtatapos ng 1st half, hawak na ng Lakers ang 13-point lead ngunit pinilit itong burahin ng Miami sa 3rd quarter.
Gayunpaman, kapwa nagpakita ng magandang opensa at depensa ang Los Angeles sa hanggang sa tuluyang tinapos ang laro, hawak ang sampung puntos na kalamangan.
Sa kaniyang Summer League debut, nagawa ni Bronny na magpakita ng magandang opensa kung saan tatlo ang naipasok niya mula sa pitong pinakawalan. Dalawa sa mga naipasok na shot ay parehong mga 3-pointer.
Binantayan din ni Bronny ang rebound area, kasama ang isang steal.
Ito na ang ikalawang taon ni Bronny sa NBA kung saan sa kaniyang season ay nagawa niyang maglaro sa loob ng 27 games. Dito ay binigyan siya ng 6.7 minutes per game upang maglaro.
Sa naturang season, nakakadismayang 2.3 points per game lamang ang kaniyang nagagawa, hawak ang 31.3% na field goal percentage.