Nakumpleto na ang finals picture para sa eastern conference ng NBA, kasunod ng Game-7 win ng Oklahoma City Thunder laban sa Denver Nuggets ngayong araw, May 19.
Mula sa dating 16 team sa pagsisimula ng playoffs, apat na team ang tuluyang uusad sa conference finals: Oklahoma City Thunder, Minnesota Tomberwolves, Indiana Pacers, at New York Knicks.
Sa east, maghaharap ang Pacers at Knicks, habang babandera naman ang laban ng Thunder at Wolves sa western conference.
Naktakda ang Game 1 sa pagitan ng Wolves at Thunder sa araw ng Miyerkules, May 21 kung saan magsisilbing host ang Oklahoma. Sunsundan ito ng iba pang gamw tuwing makalawa.
Nakatakda naman sa Mayo-22 ang Game 1 sa pagitan ng Pacers at Knicks kung saan magsisilbing host ang New York.
Kapansin-pansin sa finals picture ang walang presensiya ng mga tinaguriang perennial playoffs star tulad nina Lebron James, Stephen Curry, at Kevin Durant, dahil na rin sa maagang pagkakatanggal sa elimination.
Gayonpaman, ilang mga batikang NBA star pa rin ang nagbabalik tulad ni Pascal Siakam na unang nakakuha ng championship sa Toronto Raptors kasama si Kawhi Leonard.
Ang mananalo sa bawat conference ay tuluyang uusad sa NBA finals na nakatakdang magsimula sa Hunyo-6.