Sinabi ng isang government witness sa Sandiganbayan na umano’y “Nanghingi” si Senator Rodante Marcoleta ng campaign funds mula sa negosyanteng si Aristotle Viray, isa sa mga co-accused niya sa plunder case.
Sa bail hearing nitong Huwebes, sinabi ng Office of the Ombudsman field investigation Bureau na si Viray mismo ang nagbanggit sa kanyang counteraffidavit na si Marcoleta ang nanghingi ng halaga mula sa kanya.
Ayon sa witness, kabilang sa sinasabing P75 milyon na hindi idineklara ni Marcoleta sa kanyang wealth noong 2025 ang p20 milyon na umano’y nagmula kay Viray.
Hindi naman nilinaw sa testimonya kung ito rin ang halagang sinabing hiningi ng Senador.
Sinabi rin ng office of the OMB na ang mga co-accused na sina Viray, Joseph Espiritu at dating congressman Mike Defensor ay nagtungo sa iisang notary public sa Pasig city para ipa-notaryo ang kanilang deeds of donation noong Nobyembre 2025.
Ayon sa witness, ang imbestigasyon ng kanilang team ay nagrekomenda ng pagsasampa ng plunder charges laban kina Marcoleta, Mike defensor, Espiritu at Viray.
Itinanggi naman ng mga akusado ang mga alegasyon laban sa kanila.
















