Balik na sa Toronto Raptors ang 2-time NBA champion na si Kawhi Leonard.
Pitong taon mula noong nabigyan niya ng championship ang Raptors (2019), pumayag ang ‘The Claw’ na bumalik sa naturang koponan, kung saan makakasama na niya ang mga bagitong players nito.
Maalalang kasunod ng matagumpay na 2019 Finals ay tuluyan ding umalis ang batikang forward upang maglaro sa ibang koponan. Gayonpaman, hindi ito pinalad na makakuha ng kampeonato, sa kabila ng ilang beses niyang pagpasok sa postseason.
Kapalit ni Kawhi sina Brandon Ingram, Gradey Dick, isang first-round draft pick, isang pick swap, at ilan pang second-round picks.
Bago lumipat sa Raptors si Kawhi, solidong performance na ang ipinakita ng koponan nitong nakalipas na season kung saan hinawakan nito ang 46-36 win-loss record, tangan ang .561 winning percentage.
Gayonpaman, hindi pa rin ito nakausad sa ikalawang elimination round matapos padapain ng Cleveland Cavaliers sa First Round sa Easten Conference.
Inaasahang makakatulong si Kawhi para patatagin ang solidong performance ng koponan, lalo na sa postseason.
Hawak ng batikang forward ang dalawang Finals MVP, kasunod ng kaniyang 2014 title sa San Antonio Spurs at 2019 title. Ang 2019 title na ibinigay sa Toronto ang kauna-unahang championship para sa naturang koponan.















