Naomi Osaka
Naomi Osaka/ IG post

Nanguna si tennis champion Naomi Osaka sa listahan ng Forbes na highest paid female athlete.

Pumalo kasi sa kabuuang $37.4 million ang kinita nito noong nakaraang taon.

Nahigitan niya ng $1.4 million na yaman si US tennis star Serena Williams.

Sa loob kasi ng apat na taon ay hawak ni Williams ang titulo sa highest paid female athletes.

Nalampasan rin ng Japanese tennis star ang yaman ni Maria Sharapova noong 2015 na mayroong $29.7 million.

Nakilala si Osaka ng talunin niya si Williams sa US Open noong 2018.

Mula ng magkampeon ay umabot na rin sa mahigit 15 ang mga product endorsement nito.

Nasa pang-29 rin si Osaka sa 100 highest paid athletes sa buong mundo.