-- Advertisements --

Aminado si American third seeded Jessica Pegula na ito ay nagulat sa first round na pagkatalo sa Wimbledon.

Tinalo siya ni Elisabetta Cocciaretto ng Italy sa score na 6-2, 6-3 sa loob ng 58 minuto nglaro.

Itinuturing na ito na ang pinaka mapait na pagkatalo ng 2024 US Open finalist.

Dagdag pa ng 31-anyos na si Pegula ay hindi ito naging komportable dahil sa kaniyang pananakit sa kanang tuhod na kaniyang nilagyan ng strap.

Dagdag pa nito na hindi talaga niya araw at naging maganda ang paglalaro ng Italian player.